ARAL/MENSAHE

         Sa pamamagitan ng kwento, ipinakita ni Reyes ang kahalagahan ng pag-unawa sa sariling pinagmulan at ng pagpapahalaga sa kahalagahan ng bayan. Gaya nga ng sabi Elias isang tauhan sa isa na inilimbag na aklat ni Dr. Jose Rizal na Noli Me Tangere, “Mamamatay akong di man makita ang maningning na pagbubukang liwayway sa aking inang bayan! Kayong makakakita, batiin niyo siya at huwag kalimutang ang mga nalugmok sa dilim ng gabi!” Hindi lamang ito isang simpleng kwento tungkol sa pagbabalik ng isang tao sa kanyang pinagmulan, ngunit isa itong pagpapaalala sa kahalagahan ng pagbabago at pag-unlad, pati na rin ang pagpapahalaga sa ating mga pinagmulan sa gitna ng mga pagbabago sa lipunan.Higit pa rito, itinatampok ng "Lupang Tinubuan" kung gaano kahalaga ang paggalang sa pamana ng isang tao at pagpapanatili ng mga kultural na tradisyon sa harap ng panlipunang panggigipit at modernisasyon. Itinatampok ng may-akda ang mabilis na pagkuha ng pangláw at pananabik na kasama ng mga alaala sa sariling bansa, na nanghihikayat sa mga mambabasa ng pagnilayan ang  mahahalagang konsepto sa pagitan ng lugar at personal na pagkakakilanlan.


Comments

  1. Mabisa ang pagkasulat ng aral ng kwento. Tunay na ipinapaalala sa atin ng kwento na pahalagahan ang bansang pinanggalingan at huwag itong talikuran dahil bilang Pilipino, nakamit natin ang kapayapaan at kalayaan dahilan sa sakripisyo ng ating mga pambansang bayani.

    ReplyDelete

Post a Comment