BUOD

         Umiikot kay Danding ang kwento, isang siyam na gulang na bata na bumalik sa bayan kung saan lumaki ang pumanaw niyang ama,upang dumalo sa burol ng kanilang malapit na kamag-anak, kasama niya ang kanyang Tiya Juana at Tiyo Gorio. Sa kanyang pagbalik, nakilala niya ang kanyang mga kamag-anak at nagkaroon ng mga pagbabalik tanaw at nalantad sa kwento ang mga karanasan ng ama ni Danding noong panahon ng rebolusyon. Sa pamamagitan dito lumabas ang mga bahagi ng kasaysayan sa kwento. Gumamit din ang awtor ng simbolikong pangyayari tulad ng paglipad ng saranggola,pagbagsak mula sa kalabaw, at pagtago sa puno noong sila ay sinakop ng mga kastila upang maiparating ang kahalagahan ng personal at kultural na kasaysayan. Sa pagdaloy ng kwento, nakuha ni Danding ang mas malalim na pag-unawa sa kanyang mga pinagmulan, nagpasalamat sa mga bayani tulad ni Rizal at Bonifacio sa kanilang pag sakripisyo. Ang kwento ay sumasalamin sa kahalagahan ng koneksyon ng isang tao sa kanilang bayan at sa tapang na ipinapakita ng mga lumaban para sa kalayaan.


Comments